suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

it’s a sad sad situation Pebrero 22, 2008

Isinalansan sa: anti-gma — gingmaganda @ 2:37 hapon

i’m sad kasi wala ako sa UP ngayon, where i should be taking photos of the rally. bawal muna ako lumabas pag gabi due to hamog and kasi di pa gumagaling ubo ko. but going to that rally would’ve been really nice, although mataas ang cynicism level ko dito given that i think GMA is a psycho and no amount of rallies will persuade her to step down. it is of my opinion that we would have to physically remove her from malakanyang, throw her in the river and when she drowns, poke her repeatedly with a trident to make sure she’s really dead… or at least, disabled. i dunno. para kasi siyang naka-super glue sa pwesto at mukhang ikamamatay naman niya ang pagreresign. howell. i’ve heard from a reliable source that she takes sleeping pills and anti-depressants. she’s on the brink, that one. god help her. god save us.

at madam president, kung binabasa mo man ito ngayon, maawa ka na sa taongbayan. kailangan na ng pilipinas ng malawakang overhaul.

 

we are a family of people punchers Pebrero 12, 2008

Isinalansan sa: kababaihan, kalunsuran, manggagawa, ofw — gingmaganda @ 2:38 hapon

dumating na yung tito at tita ko galing sa qatar. unang nagtrabaho dun ang tito ko dati pa pero nagkaroon ng sakit sa puso at natriple bypass kaya kailangan sumunod ng tita ko para alagaan siya. nagtratrabaho na si tita ngayon sa canteen ng US Air Force Base sa Qatar, bilang ice cream server. enjoy na enjoy siya sa trabaho niya. after decades of being a stay-at-home mum (well naging kahera naman siya ng juetengan sa abra pero mas enjoy siya dito ngayon dahil labs na labs siya ng mga kano) ay tuwang-tuwa ako sa kanya pag kinekwento niya yung mga ginagawa niya sa trabaho. ang cute din ng mga litrato niya sa canteen. mukhang happy na happy at di tumanda.

sabi niya, dati daw nasa ibang canteen siya sa loob ng base kaso inilipat daw siya sa air force kasi nanuntok siya ng katrabaho niyang babae dun sa canteen. nagkabadtripan daw sila. nasuspend siya ng ilang araw tapos inilipat sa ice cream station sa kabilang canteen. kaya mas gumaan ang buhay niya. ang dami din daw niyang excellence awards. kaso di nga daw siya ma-awardan ng model employee kasi nga nanuntok siya ng katrabaho, haha. pero aliw na aliw talaga ako sa tita ko kasi feel na feel na talaga na empowered na empowered siya in her own little world dun sa base. yung sweldo na niya ang pinadadala niya sa probinsiya para pantustos sa mga pinsan ko. natutuwa siya sa responsibility at sa halaga ng kanyang mga efforts. pero sabi niya minsan nakakapagod din naman talaga, lalo ngayon na malamig dun. mga alas tres daw ng umaga siya gigising, susunduin ng shuttle ng mga 4am, tapos gabi na daw nakakauwi. pag daw pagod na siya sa trabaho, hindi na daw niya nilalabas yung Cookies and Cream dun sa serving area- paborito daw kasi yun ng mga kano, eh kung may ganun, mapapagod daw siya kakascoop forever.

sabi ng tita ko, na asawa niya, na dating tibak, narito na naman daw ang irony ng buhay ng mga pinoy sa qatar. yung mga pinoy daw dun sa qatar, gustong gusto magtrabaho sa base para sana makapag-asawa ng puti. tinitingnan ko yung mga litrato ng mga tita ko kasama yung mga kanong sundalo, ang gagwapo, puro tisoy, ang kikisig, ang lalaki ng katawan. mens in uniform! mahirap iwasang hindi mangarap na ang mga live na GI Joe na ito ang sasagip sa kapalaran mo- ang magdadala sa’yo sa mas magandang buhay, ang tutustos sa mga pinapaaral mong kamag-anak sa pilipinas, magpapadala ng pambili ng gamot ng tatay mong maysakit, ang magmamahal sa’yo ng walang kondisyon panghabang-buhay.

kapag sa base ka dun nagtratrabaho, mas mataas daw tingin sa’yo dun, kumpara kung DH ka lang. iyon na naman ang bagong pangarap ng mga pinay dun. parang sweepstakes siguro, baka sakaling bumuti ang kapalaran kapag sa base nakapagtrabaho, flashback ng Top Gun at ang leading man na kamukha ni tom cruise. pero kadalasan daw gegerlprenin lang sila dun tapos pagbalik sa merika, iiwanan naman din sila. sagana din daw sila ng pagkain sa base. maski di naman daw kataasan ang sweldo at least nakakakuha sila ng libreng pagkain na stateside. andami nga namin chocolate sa ref ngayon e, courtesy of uncle sam.

nung naghahagikgikan kami tungkol dun sa suntukan incident, sabi ko, “ayy! ako rin nanuntok ng kaklase, hahah! nagbati naman kami pero ngayon di na kami ulit nag-uusap, hehe, nagalit kasi sa akin.” sabi ng tatay ko, eh mga suntukero pala kayo! sabi naman ng tito ko, “nakabuti naman yung panununtok niya kasi nalipat siya sa mas masayang trabaho.” tapos tawa na naman kami ng tawa. yung isa ko ngang tita dati, nung high school graduation niya, sa asar niya na hindi si lolo yung umakyat sa stage, sinuntok niya yung tiyan ng isa ko pang tita- na kasalukuyang anim na buwang buntis. hahaha. maski nanay ko pag asar na asar sa tatay ko bigla na lang nanununtok. sabi nga nung isang kaibigan ko sa capiz, “jusko ging, ang tatapang niyo pala.”

kanina, pinuntahan pala kami ng barangay tanod sa bahay. nanabunot kasi yung kasama namin sa bahay ng kapitbahay. in fairness puro kalmot din yung ate namin. pumunta sila ni nanay sa barangay hall para makipag-usap at makipag-ayos dun sa kapitbahay na nagreklamo. maayos naman daw ang nangyari dun sabi ng nanay ko. pero nung sinabi niyang taga-abra kami eh medyo napa-atras daw yung mga tanod. natawa ang nanay ko nung kinekwento niya sa akin yun nung pag-uwi niya dito sa bahay. sabi niya, “pwede na pala ipagmalaki na taga-abra ka ngayon?” sabi ko, “kakatakutan ka ng mga tao? feeling nila lahat ng tao sa abra may baril at walang-habas magpatumba ng kahit sino? haha!” natatawa ako sa ganitong notoriety pero minsang andun ako nakasahan din ako ng baril ng goons nung isang politiko. sabi ko dun sa goons, may ate ako sa Gabriela, ‘wag niya akong simulan, siya rin ang mahihirapan.

pero maski may mga baril ang mga pinsan ko, yung mga babae sa pamilya namin, di na kailangan ng baril. pag di nadaan sa bungangaan, ayan ang kamay, nagiging kamao, at bahala na kung ano’ng tamaan.

 

patayin sa sindak si bar-barra Enero 26, 2008

Isinalansan sa: media circus — gingmaganda @ 2:40 hapon

nakakatawa yung Susan Roces Cinema Collection: Patayin sa Sindak si Barbara ng ABS-CBN

Susan Roces= widow ng presidential candidate na kaya natalo ay dinaya daw ng nanalong re-electionist presidente sa kasalukuyan
Kris Aquino (bida ng Patayin sa Sindak)= naulila ng ama na pinapatay daw ng kasalukuyang presidente ng bansa nung panahong iyon (kapag haggard na haggard na siya sa eksena at natatakot, nagiging kamukha niya ang nanay niya, na widow ng senador na blah blah blah…)

kakatapos lang kahapon ng mini-teleserye. napansin ko lang, pati mga teleserye ngayon, parang e-load na lang. tingi-tingi. wala nang mga epikong AnnaLuna o FlorDeLuna o Agila. o sa recent na memory, yung tipong parang, Pangako Sa’yo.

wala na kasing maipangako sa bayang ito. o kung may naipangako man, hindi nga napapako e, basta nawawala na lang. kaya maski horror-horroran lang pinapatulan na natin, kahit pansamantalang aliw lang.

mas nakakatakot kasi ang totoong buhay, lalo’t patuloy pa rin ang napapabalitang pinapapatay/napapatay ng kasalukuyang presidente ng pilipinas. joss ko!

 

sa hinimay mong alimasag para sa akin Disyembre 12, 2007

Isinalansan sa: pag-ibig, pagkain, tula — gingmaganda @ 8:36 hapon

kung sa ganitong paraan ko lamang
matitikman ang iyong ikaw-
ang langis mula sa dulo ng iyong
mga daliri, ng iyong palad, ang iyong
mga fingerprints na nilusaw ng mantika
ng aligue, ang DNA mula sa iyong
skin cells-

taimtim kong nanamnamin
ang bawat hibla ng laman,
upang maski sa aking tiyan,
makapagsama naman tayo maski
minsan lang, maski ngayon lang.

 

two years ago, kinunan ko ang poster na ito Nobyembre 20, 2007

Isinalansan sa: anti-gma — gingmaganda @ 2:54 hapon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

two years after, ganyan pa rin ang sentimyento ko lalo’t:

nakakaasar ang ZTE-Broadband Deal fiasco
bakit pinardon yung mandarambong na Erap na yun
may 11-year old na batang napakamatay sa Davao dahil daw nagugutom siya
ang baba na nga ng dollar pero bakit lalong tumataas ang bilihin, pati pamasahe?

at marami pang ibang dahilan. ieurgh!

 

tatlong tula ni neruda Nobyembre 7, 2007

Isinalansan sa: pag-ibig, salin, tula — gingmaganda @ 8:29 hapon

Ang Iyong mga Paa

Kapag tinitignan ko ang iyong mukha,
tinitignan ko rin ang iyong mga paa.
Ang iyong mga paa ng pakurbang buto,
ang iyong mga paang maliliit at matigas.
Alam kong dinadala ka nila,
at ang iyong matamis na bigat
ay umaalsa sa kanila.
Ang iyong baywang, ang iyong mga suso,
ang tingkad ng kulay-ube
ng iyong mga utong,
at ang mga butas ng iyong mga matang
kakalipad lamang kanina lang,
ang malapad mong prutas na bibig,
ang pula mong buhok,
aking munting tore.
Ngunit mahal ko ang iyong mga paa
sa dahilang lumakad sila
sa balat ng lupa, at sa ihip
ng hangin, at sa mga katawang-tubig,
hanggang ako’y matagpuan nila.

Hanap ko ang iyong bibig, ang iyong tinig, ang samyo ng iyong buhok

HUWAG KANG LALAYO, MASKI LAMANG ISANG ARAW
Huwag kang lalayo, maski lamang isang araw, sapagkat—
sapagkat—hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin: mahaba ang isang araw
at aantayin kita, sa isang istasyong walang laman
at nakaparada ang mga tren sa ibang lugar, humihimlay.

Huwag mo akong iwan, maski isang oras lamang, sapagkat
ang mga maliliit na patak ng hinagpis ay magsasama-sama,
ang usok na naghahanap ng mauuwian ay lulutang
patungo sa akin, at sasakalin ang aking ligaw na puso.

Ah, nawa’y hindi kumupas ang iyong anino sa dalampasigan;
at ang iyong mga talukap ay huwag sanang kumurap sa malayong kawalan.
Huwag mo akong iwan, maski lamang isang sandali, aking pinakasinisinta,

Sapagkat sa sandaling ika’y makalayo na
ako’y paliko-likong magpapalaboy sa mundo, nagsusumamo,
Babalik ka pa ba? Iiwan mo na lang ba ako dito, namamatay?

Lasing na Lasing

Lasing na lasing sa masangsang na langis
Ng iyong mga bukas na halik,
Ang iyong basang katawan sa pagitan
Ng aking basang katawan at sa mga palikpik
Ng ating bangkang gawa sa mga bulaklak,
Nagpapakasaya, inaaalalayan natin- ang ating mga daliri
Tila mga kandilang pinarikit ng ginintuang bakal-
Sa ibabaw ng mainit na bukana ng langit,
Ang huling hininga ng araw sa ating mga layag.

Hawak ng araw sa pagitan ng tag-araw
At taglamig, bangag at magkasalikop na magkasama’y
Nagpalutang-lutang tayo ng ilang buwan at nagising
Sa mapait na lasa ng lupa sa ating mga labi,
May lagkit ang mga talukap ng mga mata at nasasabik sa apog,
At sa tunog ng tali
na nagbababa ng timba patungo sa kanyang balon. At pagkatapos,
bumiyahe tayo ng gabi patungo sa Mapalad na mga Isla,
At humimlay kagaya ng mga isda
Nakukumutan ng lambat ng ating mga halik.

salin ng “Your Feet”, “I Crave Your Mouth, Your Voice, Your Hair” at “Drunk as Drunk” ni Pablo Neruda

 

Mula sa mga tala kay Mary Clarisse Maligaya, Year IV- Chastity Oktubre 26, 2007

Isinalansan sa: erotika, kabataan, ofw — gingmaganda @ 8:44 hapon

Para sa mga mature na mambabasa lamang, bahagi ng isang kwentong bahagi ng isang antolohiya ng kwentong erotika na malapit nang lumabas sa susunod na buwan. Excited na ako. Yey! First time ko rin makabenta ng kwento, nakakatuwa rin kasi wala na akong self-esteem sa pagsusulat. Pero natutuwa daw yung editor ko sa akin. Kaya maganda pa rin ang buhay.

Natutuwa rin ako kase naalala ko talaga nung hayskul pa ako. Naloloka ako kase nadiskubre kong nagsesex na pala yung mga kabatch ko tapos ako, 3rd year college ako unang nakipagsex nabuntis pa ako agad! Ang labo diba.

Pero ayun, nung sinulat ko talaga tong kwentong to, inisip ko lang talaga yung hayskul ko. Yung mga araw-araw na pangyayari dun. Ang kukulit ng mga kabatch ko haha at pati na rin ang iba pang schoolmates. Andaming kwentong pwede isulat. Yiheee! Memories!

—-

Sakto. Wala si Kuya sa kwarto, nasa bahay daw ng kaklase at gumagawa ng project sa Advanced Placement Physics. Tulog na si Nanay. Hawak-hawak ko ang tite ko. Naalala ko yung sinabi ni Pandak kanina, paano kung si Maligaya nga yun? Ano kayang gagawin ko sa kanya?

1. Huhubaran ko ba siya kaagad, o unti-unti? O siya na lang magtanggal ng sarili niyang damit?
2. Maghuhubad ba ako agad, o wag na lang? Pero minsang nagkumparahan kami sa CR sa school, ako ang nanalo, hindi naman siguro nakakahiya.
3. Gusto ko siyang hawakan sa mukha, gusto ko padaanin ang daliri ko sa basang labi niya. Sana kapag ginawa ko yun, kunin niya ang kamay ko at dahan-dahang ipasok sa bibig niya. Tapos, lalaruin ng dila niya yung dulo ng daliri ko.
4. Kukunin ko yung kamay niya tapos ipapahawak ko sa kanya yung ano ko. Dahan-dahan niya munang hahawakan, parang nahihiya pa. Dadampi-dampi yung mga daliri niya sa kahabaan ng ano ko. Nakakakiliti, lalo akong ma-e-excite. Unti-unti kong ilalagay sa buong palad niya yung ano ko, hanggang mabalot na ito ng isa niyang kamay. Sasabihin niya, “Ang tigas Paolo, gusto ko siyang i-kiss!”
5. Sasabihin ko sa kanya pagkatapos, “Laruin mo pa, Miss Maligaya, hawak-hawakan mo kagaya ng paghagod mo ng kamay mo sa alaga mong aso.”
6. Assuming na nakadamit pa rin siya, kakapain ko na ang suso niya. Yung kanan muna, dahan dahan kong ilalapat ang aking palad sa kabilugan nito. Pipisilin ng bahagya at titignan siya sa mata.
7. Sana ngumiti siya.
8. Pipisilin ko ulit ng marahan ang kanang suso, at hahanapin ang utong. Matigas na ang utong, lalamasin ko ang suso niya na nakakulong pa rin sa kanyang bra at blouse. Hahalikan ko naman ang kaliwang suso at ihihimas ang pisngi ko sa utong nito. Maamoy ko na naman ang cologne niya, at hahanapin na ng bibig ko ang bibig niya.
9. Hahalikan ko siya sa bibig. Basa ang halik. Kung sarado ang bibig niya, kakatukin ito ng aking dila para pagbuksan ang dala kong sarap. At pagbukas, magyayapos ang mga labi namin na parang mag-asawang OFW na matagal nawalay sa isa’t-isa.
10. Patuloy pa rin siya sa paghagod sa ano ko. Mamasa-masa na ito, ang init ng palad niya, at lalong tumitigas yung ano ko sa bawat haplos niya. Bubuksan ko na yung blouse niya. Isang butones muna, pasilip lang sa loob.
11. Gusto kong punitin yung blouse.
12. Pangalawang butones. Baka pagalitan siya ng nanay niya kung umuwing sira ang blouse niya.

Putangina, nilabasan na ako. Makatulog na nga.

Kinukulit ako ng tatay ko na sumali sa basketball team ng school. Frustrated PBA player kasi yun. Mahilig magdribble at mahilig din magshoot, pero ewan ko ba kung bakit nagtuturo ng Math ngayon sa ibang bansa. Ayan, pinasa tuloy sa akin ang pagsasakatuparan ng pangarap niya. Kunsabagay, masaya din naman ang nagbabasketball. Ayaw ko nga matulad kay Kuya na nagiging nerd na o kaya kay tatay na nagtuturo ng Math! May mga araw nga na kaliwa at kanan lang, ‘di ko pa alam e.

Sa Biyernes daw ang try-outs. Buti na lang ‘tong si tatay maski di ako mabilan ng slacks at least pagdating sa sapatos bigay-hilig. May sign-up sheet sa may PE Dep- may mga ilan na ring nag-sign up. Sinusulat ko na ang apelyido ko nang may naamoy akong pamilyar. Pagtingin ko sa corridor paparating si Mary Clarisse. Mag-isa lang at may hinahalukay sa bag niya. Medyo hirap nga siya kasi hawak pa niya yung mga libro niya at may isa pang supot na may sapatos sa loob. Napatingin lang ako sa kanya buong time na lumalakad siya. Buti ‘di ako nakita dahil abala sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bag niya. Maski malayo ang bango niya pa rin.

“Supot, tara na!” narinig ko si Ponds na humihiyaw mula sa kabilang dulo ng corridor. Tinapos ko na ang pagsulat ng pangalan ko sa sign-up sheet at lumakad na papunta sa kanya. “Ikaw ha, nakita kita ha! Dumaan si Maligaya, hanglagkit ng tingin mo! Type mo rin ano? Rape! Rape! Rape!”

“Gago! Wag ka nga maingay baka may makarinig sa’yo, baka isipin manyakis ako eh ikaw naman diyan ang malibog!”

“Eh manyakis ka rin naman talaga! Bilisan mo diyan, pupunta daw tayo kina Ryan at may bago daw siyang DVD.”

Pag si Ryan, may bagong DVD, isa lang ang ibig sabihin nun: nakabili na naman si mokong ng piratang porno. Kanya-kanya na namang pwesto dun sa kwarto niya habang pinapanood ang kung sinong ale at mama na gumawa ng mga makamundong gawain. Minsan lang at nagkakabadtripan kasi kung kelan maganda ang takbo ng kwento, kung may kwento nga ba ang mga ganoong klase ng DVD, ay dun ba maghahang ang DVD. Nakakatawa rin kapag nagha-hang ang mga DVD ni Ryan, iba-ibang pwesto ng pagtatalik ang nafi-freeze sa TV. At kadalasan, nakakatawa yung hitsura ng babae. yung lalake naman walang pinagkaiba ang facial expression kesa hindi naghahang ang DVD o naka-hang. Hindi mo alam kung malilibugan ka pa rin ba o matatawa.

“Ay, nako pare, di ako pwede. Marami ‘kong assignment e. Next time na lang.”

“Huuu, baka uuwi ka lang at magbabate habang iniisip si Maligaya! Ikaw, bahala ka, Hapon pa naman yung bago ni Ryan!”

“Tarantado! Wag ka ngang maingay! Mamaya may makarinig sa atin.” Sabay batok kay pandak. “O sige na, alis na ako!” Pero parang masaya nga rin umuwi at magbate habang iniisip si Mary Clarisse Maligaya. Itutuloy ko yung sinimulan kong pantasya. Paaabutin ko hanggang # 1,956,876.

 

binigay ko sa’yo ang aking puso Oktubre 24, 2007

Isinalansan sa: drowing, pag-ibig, tula — gingmaganda @ 8:47 hapon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

dahil minsan ako’y sadyang praning

 

papaluin ko sa pwet ang copywriter na gumawa nito! Oktubre 23, 2007

Isinalansan sa: kababaihan, media circus — gingmaganda @ 2:46 hapon

beyonce

ayon sa press release na ito, “Celebrate Feminism with Beyonce”. what the hell?!?! di porke kumanta lang ang bruha ng “To da lep to da lep” eh maaari na siya ikawing sa kapeministahan huh. anak ng tokwa, eh maski naman basahin yung lyrics ng kanta na yun eh inaapi naman niya yung lalake. mapagmalabis. nanumbat pang pang binilhan niya ng Jaguar yung boylet. feelingerang upper class. ulul. sa aking palagay, ang peminismo ay hindi pangingibabaw sa mga kalalakihan kundi ang pagtabi sa kanila sa pantay na antas ng pag-iral tungo sa may maayos na lipunan, err, buhay, err, basta hindi para kay Beyonce. bah.

ayon din sa PR na ginamit pa talaga ang peminismo bilang anggulo ng pagtitinda, ay, “gumamit ng credit card namin upang makabili ng tiket sa konsert niya.”. konsumerismo, di kaiga-igayang ideolohiya! haha. pero ano ba. kairita naman tong PR na ito. syempre mega-react ako dahil yan din ang trabaho ko. at di naman ako ganyan ka-abusado gumawa ng copy.

kung ikaw nagsulat nito, magpakilala ka sa akin, sapakan tayo! joke. itatanong ko lang kung sang kweba ka lumaki.

at oo, hindi ako peminista. hindi talaga! saka gusto ko din si beyonce, lalo na sa Fighting Temptations. saka may crush din ako kay Jay-Z dati.

 

Madyik Oktubre 18, 2007

Isinalansan sa: anti-gma, pag-ibig, tula — gingmaganda @ 8:51 hapon

para sa paborito kong Happy Revolutionary, sana di ka kunin ni GMA

ang kalapating nilagay
sa sombrero ng madyikero
na tinakpan ng panyo
habang pumapagaspas
ang mapuputing pakpak
ay naging pinong
confetting lumipad
sa hangin ng aking
mga pangamba’t
walang karapatang
pagsinta