suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

gusto ko nang batukan ang sarili ko o kung bakit masakit maging filmmaker Marso 26, 2008

Isinalansan sa: lipunan, sining — gingmaganda @ 9:27 umaga

andami kong footage, ang dami kong script, hindi ko masimulan at hindi ko maisulat ng tuloy-tuloy. una’y dahil may lohistikal na mga balakid, una’y di pa ako marunong mag-capture ng footage, pangalawa’y kailangan ko munang linisin ang mga HDD ko, ikatlo’y dahil wala akong oras para sa mga ito dahil nakabinbin pa ang mga larawang kailangan kong ipinta, mga paper na isusulat para sa school, iyong mga tula ko, mga kailangan sa day job, mga taong kailangan makita, gawaing bahay, makulit na anak, at bukod pa rito, hindi naman ako diyosa- kailangan ko ring kumain, matulog, maligo, manood ng TV.

pwede naman kasing wag na lang mag-edit. pwede na lang kasing wag nang gumawa ng pelikula, makuntento na lang sa pagsusulat, ganun. pwede rin naman kasing manghuli na lang ng sex slave/ non-linear editor at ikukulong sa isa sa mga kwarto sa bahay namin para may magcacapture na lang at gagawa ng rough cut para sa akin, kagaya ng mga nakaraang proyekto. pero bahagi ng pagiging independent filmmaker ang maging pobre at maging independent. kanya-kanyang kayod kaya magtitiyaga muna akong magsuffer in the meantime.

ganito kasi yun, e. pwede namang hindi na lang gumawa at all. pero kasama sa retardedness ng pagiging alipin ng sining ay yung pangagailangang lumikha. ng kahit ano. lagi’t-lagi, sa kaloob-looban mo, may nag-uudyok sa iyong gumawa, magtrabaho, magkwento. na hindi lang pwedeng pagkasyahin sa mga blog na kagaya nito. at mahirap sagupain ang araw-araw na pag-iral na gumawa ng mga bagay kung alam mo, sa pinakamalalim na butas ng puso mo, ay mas gugustuhin mong magkulong sa isang kwarto, maghimay ng footage, at magsulat, kesa sa pumasok sa trabaho, mag-grocery, pumila sa bangko para magbayad ng mga bill ng ilaw, tubig, credit card.

masakit maging pilmmeyker, lalo’t iyong pagnanasang bumubuhay sa’yo ang siya ring kailangan mong hindi pansinin para mabuhay sa isang mas basic na antas na pag-iral. kasama pa nga sa angas na ito ay ang laksa-laksang desisyon na kailangan harapin kapag gumagawa ng pelikula- kung saan puputulin ang eksena, ang mga himig at awit na gagamitin, kung saan mo sisimulan at tatapusin ang kwento. at kung ano ang point ng lahat ng ito. at teka- nagwagi ka bang pagsilbihan ang mga tao sa ginawa mo, at kamusta naman ang treatment? naintindihan ba naman ng audience mo? hindi lagi’t lagi ay maaaring sundin ang layaw sa pagkatha lalo’t may halaga ang nais mong ipapanood sa pinili mong pagpapanooran. pwedeng umart ka lang ng walang humpay kung ang mga manonood mo ay uma-art lang ng walang humpay at walang pakelam sa mundo sa labas ng mga art gallery o ng CCP.

pero kung para sa mga tao ang ginagawa mo, dun sa mga taong walang panahong pumunta sa ccp, sa art gallery, iyong mga taong kailangang ikaw pa ang magdala ng pelikula sa kanila, at hindi ko tintutukoy ang mga pelikulang kayang-kaya nilang maaccess via pirated DVDs, mahirap gumawa ng pelikula na mapagbibigyan lahat ng mga kahingiang aestetikal at pulitikal, na siya ring aayon sa sariling style mo bilang artist/ pilmmeyker, at alam mong makakarating sa mga manonood mo ang gusto mong iparating.

kaya hanggang ngayon, limang taon na ang nakakalipas, wala pa rin akong nagagawang bago. gusto ko nang batukan ang sarili ko. hopefully, this year will be different.