
kasalukuyang minimina ang mga bundok ng agusan at surigao para sa lupang mayaman sa iron, chromite at iba pang minerals. unti-unting binabakbak ang mga bundok ng mga brand-new heavy equipment upang ipadala ang lupa sa japan para maproseso. sabi ng lolo ko, maski daw 400 years pang hukayin yang mga bundok ay hindi daw iyan mauubos, pero nag-aalala ang mga NGO sa lugar na ito na maaaring maging disaster ang mga minahan nito. hindi naman ako geological expert at madalas ay natutulog ako tuwing nat sci 2 sa diliman, pero isang tingin lamang sa mga litratong ito ay nakikita na ang pagkasira ng paligid.
halos lahat ng mga litrato dito ay kinunan mula sa loob ng sasakyan, habang binabagtas namin ang highway na nag-uugnay sa butuan hanggang surigao. yan ang ginawa ng minahan sa highway, ang highway na sana’y magdadala ng pag-unlad sa mga bayan at lugar na pinagkakakabit-kabit nito. ngunit, sa halip na magbigay ng progreso ang mga minahang nito sa pamamagitan ng trabaho at sa buwis noong 2007 na umabot ng mahigit isang bilyong piso, mukhang puros perwisyo lang ang dala ng minahang ito. sirang-sira na ang kalsada papuntang surigao. bukod pa rito ay mapanganib ang bumiyahe sa lugar na ito dahil walang tao, at wala rin signal ng cellphone, at maaari kang mahulog sa bangin. buti sana kung may lumilipad pa rin na mga eroplano papasok ng tandag o ng surigao city pero sabi ng mga tagaroon, wala naman daw ginagawa ang mga kongresista nila para mapabuti ang mga kalsada o kalagayan ng minahan. kung sa davao ka manggagaling para umiwas sa minahan, aabot din ng siyam na oras ang biyahe mo.
wala na rin daw iyong mga isda sa dagat, dahil kapag sinilip mo ang dagat, namumula na ang bahaging malapit sa bundok- hindi dahil sa dugo kundi dahil sa lupang naitatapon papunta dito. at isang maikling survey sa internet ang magdadala sa inyo ng mga datos na ito- displaced tribal minorites, militarization, human rights violations sa mga mining areas. masidhi ang pagtutol ng komunidad sa mga minahan. nakakabuti sana ang pagmimina kung maayos ang mga kontrata. pero may aasahan pa ba ang mga taong bayan? ewan ko ba.
may isang baranggay doon, magandang gawing location ng commercial ng tide sabong panlaba. paano’y namumula ang lahat- ang mga binti ng mga bata, ang mga waiting shed, ang mga paaralan elementarya, tindahan, at iba pang opisina ng gobyerno. lahat natalsikan na ng putik dahil sa kalsadang mistulang ice cream na tunaw. maski ang mga labada, kulay putik na rin. lahat ng tao, nakabota kapag lumalabas ng bahay. at katabi ng lahat ng ito, ang opisina ng Taganito Mining Company- kulay puti ang building, malaki, parang palasyo dahil ibang-iba ang hitsura sa mga kapitbahay nitong maliliit na bahay at opisina. parang walang pakelam sa paligid, seemingly unaffected by all the destruction.ang surigao ay isang malaking lupaing puno ng irony. pun intended however corny this may sound, haha. mayaman ang surigao sa lupa, sa ulan, sa tubig-dagat. ngunit, halos lahat ng municipalities sa surigao ay fourth-class o fifth-class. sa madrid, P160 lang ang daily minimum wage para sa mga contractual na empleyado. sabi sa pelikulang balweg: “ang tao ang hindi nagma-may-ari ng lupa, ang lupa ang nagma-may-ari sa tao.”mayaman ang pilipinas, ngunit bakit tayo tuluyang naghihirap, sabi ng unang pahina ng MKLRP. and chenes.
sa st. isidore parish sa madrid, bayang sinilangan ng aking tataymore info on mindanao here.