suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

Ang Gusto Ko sa Aking Magiging Asawa Liban sa Dapat ay may Bigote Siya Mayo 20, 2008

Isinalansan sa: kababaihan, salin, tula — gingmaganda @ 9:12 umaga

 

 

 

Una sa lahat,

wag mo nang isiping mag-apply

kung wala ka namang

bigote (

             o maski man lang plano

             na magpatubo

             nito

                   )

may pagkiling din ako sa mga lalaking hindi masyadong

matangkad,

kunwari, 5′8″, o 9″.

Gusto ko ang mga lalaking may malalapad na balikat

and malalaking mga kamay;

wala naman akong kahilingan sa laki ng iyong etits,

pero dapat gusto mo itong gamitin,

at sana lang, sa akin,  sa loob ko lang,

at papayag kang makipagyesyesyo ng madalas

hanggang tayo’y abutin ng 90.

 

At, may isa pa pala.

Gusto ko ng lalaking steady-

Iyong may planong maging asawa ko 

sa loob ng 50 o

60 na taon,

walang kasamang mga sabbatical.

 

Gusto ko ang mga lalaking mahilig sa mga tula,

at ang mga lalaking nagsusulat ay mas lalong nakaka-turn on (maski alam kong

                                                                                                hassle yun

ang totoo’y nakakatakot ang linyang iyan, dapat ‘atang baliktarin na lang:

“ang mga lalaking nagsusulat, nakaka-turn off”)

lalo na’t sila’y magaling.

Gusto ko din ng mga lalaking may ambisyon,

iyong mga lalaking kinukuha ang kanilang tadhana sa kanilang mga palad

at sinusubukang hubugin ito.

 

Gusto ko ng lalaking mekanikal,

iyong pisikal,

mahilig bumuo ng mga bagay,

gamitin ang kanyang mga kamay,

marahil ay atleta,

pero iyong atletang kumikilos ng may angking talino,

na sana’y natutunan niya sa mga libro.

Gusto ko ng lalaking may pananalig sa mga libro.

Ibig sabihin, magkakaroon din siya ng pananalig sa akin.

Isa akong mahaba at maharayang libro.

 

Gusto ko rin na ang aking lalaki’y isang lakwatsero,

ngunit homebody din,

iyong masayang magtratrabaho kasama ko

sa bahay, 

o iyong maligaya ding magpapariwara

at tumingin sa mga bagong bagay 

kasama ko;

iyong nakahanap na ng kanyang susi sa kahulugan ng mundo,

at iyong magbibigay ng susi sa akin sa kahulugan ng kanyang sarili.

 

Gusto ko ng lalaking 

may mabuting asal,

iyong marunong umayon sa mundo,

iyong mahilig sa mga himig,

at iyong may sariling style.

 

Iyong marunong maghanap-buhay,

maski pa malaki naman ang aking maiiaambag;

iyong gusto ng tunay na babae

at ‘yung mamahalin siya

para sa kanyang mga

narating na sa buhay.

 

Isang lalaking nagbabasa.

Isang lalaking mahilig magpinta.

Isang lalaking gustong makipag-usap habang kami’y nakahiga sa kama.

Isang lalaking mahilig sa tag-araw ngunit nabubuhay pa rin sa tag-lamig.

Iyong mahilig hawakan ang aking katawan.

Iyong mahilig humalik.

Iyong nagmamakinilya ng kanyang mga sulat.

 

Iyong umiinom ng Red Horse.

Iyong marunong mag-motorsiklo.

May koleksiyon ng mga libro.

May malaking aso.

‘Yung tatawagin ang pangalan ko sa kanyang pagtulog.

 

Sa totoo lang, isang lalaki pa lang ang nakilala ko na parang ganito;

pero kung sa tingin mo ay pwede ka,

ipadala mo na ang mga application form.

Pero, 

marahil wala kang laban sa unang kandidato.

Ngunit ako naman ay demokratiko 

at nais kong bigyan ang lahat ng pagkakataon.

 

Isama ang larawan ng iyong bigote.

Hindi ko pa natatapos iyong dokumento 

na naglalarawan ng saktong klase ng bigote na gusto ko.

Ngunit mataas ang aking panglasa.

Maniwala ka,

may mga bigoteng 

hindi talaga makakapasa.

 

Kilala ako sa pagiging pihikan.

 

salin ng “What I Want in a Husband Besides a Mustache” ni Diane Wakoski, mula sa aklat na The Motorcycle Betrayal Poems, 1971

 

sa babaeng kita ang panty Pebrero 29, 2008

Isinalansan sa: anti-gma, kababaihan — gingmaganda @ 2:58 hapon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

naiinggit ako sa’yo
sapagkat kayang-kaya mong
ipakita ang maski ano,
maski iyong dapat itago.

samantalang ako,

sasabog na ang dibdib
at ang lahat-lahat ng
bahagi ng aking katawang
dinadaluyan ng aking
malapot na dugo,

pilit ko pa ring dinadamitan
ang mga bagay-bagay.

maski sumambulat
na sa lahat
ang hubad na hubad
na katotohanan.

 

we are a family of people punchers Pebrero 12, 2008

Isinalansan sa: kababaihan, kalunsuran, manggagawa, ofw — gingmaganda @ 2:38 hapon

dumating na yung tito at tita ko galing sa qatar. unang nagtrabaho dun ang tito ko dati pa pero nagkaroon ng sakit sa puso at natriple bypass kaya kailangan sumunod ng tita ko para alagaan siya. nagtratrabaho na si tita ngayon sa canteen ng US Air Force Base sa Qatar, bilang ice cream server. enjoy na enjoy siya sa trabaho niya. after decades of being a stay-at-home mum (well naging kahera naman siya ng juetengan sa abra pero mas enjoy siya dito ngayon dahil labs na labs siya ng mga kano) ay tuwang-tuwa ako sa kanya pag kinekwento niya yung mga ginagawa niya sa trabaho. ang cute din ng mga litrato niya sa canteen. mukhang happy na happy at di tumanda.

sabi niya, dati daw nasa ibang canteen siya sa loob ng base kaso inilipat daw siya sa air force kasi nanuntok siya ng katrabaho niyang babae dun sa canteen. nagkabadtripan daw sila. nasuspend siya ng ilang araw tapos inilipat sa ice cream station sa kabilang canteen. kaya mas gumaan ang buhay niya. ang dami din daw niyang excellence awards. kaso di nga daw siya ma-awardan ng model employee kasi nga nanuntok siya ng katrabaho, haha. pero aliw na aliw talaga ako sa tita ko kasi feel na feel na talaga na empowered na empowered siya in her own little world dun sa base. yung sweldo na niya ang pinadadala niya sa probinsiya para pantustos sa mga pinsan ko. natutuwa siya sa responsibility at sa halaga ng kanyang mga efforts. pero sabi niya minsan nakakapagod din naman talaga, lalo ngayon na malamig dun. mga alas tres daw ng umaga siya gigising, susunduin ng shuttle ng mga 4am, tapos gabi na daw nakakauwi. pag daw pagod na siya sa trabaho, hindi na daw niya nilalabas yung Cookies and Cream dun sa serving area- paborito daw kasi yun ng mga kano, eh kung may ganun, mapapagod daw siya kakascoop forever.

sabi ng tita ko, na asawa niya, na dating tibak, narito na naman daw ang irony ng buhay ng mga pinoy sa qatar. yung mga pinoy daw dun sa qatar, gustong gusto magtrabaho sa base para sana makapag-asawa ng puti. tinitingnan ko yung mga litrato ng mga tita ko kasama yung mga kanong sundalo, ang gagwapo, puro tisoy, ang kikisig, ang lalaki ng katawan. mens in uniform! mahirap iwasang hindi mangarap na ang mga live na GI Joe na ito ang sasagip sa kapalaran mo- ang magdadala sa’yo sa mas magandang buhay, ang tutustos sa mga pinapaaral mong kamag-anak sa pilipinas, magpapadala ng pambili ng gamot ng tatay mong maysakit, ang magmamahal sa’yo ng walang kondisyon panghabang-buhay.

kapag sa base ka dun nagtratrabaho, mas mataas daw tingin sa’yo dun, kumpara kung DH ka lang. iyon na naman ang bagong pangarap ng mga pinay dun. parang sweepstakes siguro, baka sakaling bumuti ang kapalaran kapag sa base nakapagtrabaho, flashback ng Top Gun at ang leading man na kamukha ni tom cruise. pero kadalasan daw gegerlprenin lang sila dun tapos pagbalik sa merika, iiwanan naman din sila. sagana din daw sila ng pagkain sa base. maski di naman daw kataasan ang sweldo at least nakakakuha sila ng libreng pagkain na stateside. andami nga namin chocolate sa ref ngayon e, courtesy of uncle sam.

nung naghahagikgikan kami tungkol dun sa suntukan incident, sabi ko, “ayy! ako rin nanuntok ng kaklase, hahah! nagbati naman kami pero ngayon di na kami ulit nag-uusap, hehe, nagalit kasi sa akin.” sabi ng tatay ko, eh mga suntukero pala kayo! sabi naman ng tito ko, “nakabuti naman yung panununtok niya kasi nalipat siya sa mas masayang trabaho.” tapos tawa na naman kami ng tawa. yung isa ko ngang tita dati, nung high school graduation niya, sa asar niya na hindi si lolo yung umakyat sa stage, sinuntok niya yung tiyan ng isa ko pang tita- na kasalukuyang anim na buwang buntis. hahaha. maski nanay ko pag asar na asar sa tatay ko bigla na lang nanununtok. sabi nga nung isang kaibigan ko sa capiz, “jusko ging, ang tatapang niyo pala.”

kanina, pinuntahan pala kami ng barangay tanod sa bahay. nanabunot kasi yung kasama namin sa bahay ng kapitbahay. in fairness puro kalmot din yung ate namin. pumunta sila ni nanay sa barangay hall para makipag-usap at makipag-ayos dun sa kapitbahay na nagreklamo. maayos naman daw ang nangyari dun sabi ng nanay ko. pero nung sinabi niyang taga-abra kami eh medyo napa-atras daw yung mga tanod. natawa ang nanay ko nung kinekwento niya sa akin yun nung pag-uwi niya dito sa bahay. sabi niya, “pwede na pala ipagmalaki na taga-abra ka ngayon?” sabi ko, “kakatakutan ka ng mga tao? feeling nila lahat ng tao sa abra may baril at walang-habas magpatumba ng kahit sino? haha!” natatawa ako sa ganitong notoriety pero minsang andun ako nakasahan din ako ng baril ng goons nung isang politiko. sabi ko dun sa goons, may ate ako sa Gabriela, ‘wag niya akong simulan, siya rin ang mahihirapan.

pero maski may mga baril ang mga pinsan ko, yung mga babae sa pamilya namin, di na kailangan ng baril. pag di nadaan sa bungangaan, ayan ang kamay, nagiging kamao, at bahala na kung ano’ng tamaan.

 

papaluin ko sa pwet ang copywriter na gumawa nito! Oktubre 23, 2007

Isinalansan sa: kababaihan, media circus — gingmaganda @ 2:46 hapon

beyonce

ayon sa press release na ito, “Celebrate Feminism with Beyonce”. what the hell?!?! di porke kumanta lang ang bruha ng “To da lep to da lep” eh maaari na siya ikawing sa kapeministahan huh. anak ng tokwa, eh maski naman basahin yung lyrics ng kanta na yun eh inaapi naman niya yung lalake. mapagmalabis. nanumbat pang pang binilhan niya ng Jaguar yung boylet. feelingerang upper class. ulul. sa aking palagay, ang peminismo ay hindi pangingibabaw sa mga kalalakihan kundi ang pagtabi sa kanila sa pantay na antas ng pag-iral tungo sa may maayos na lipunan, err, buhay, err, basta hindi para kay Beyonce. bah.

ayon din sa PR na ginamit pa talaga ang peminismo bilang anggulo ng pagtitinda, ay, “gumamit ng credit card namin upang makabili ng tiket sa konsert niya.”. konsumerismo, di kaiga-igayang ideolohiya! haha. pero ano ba. kairita naman tong PR na ito. syempre mega-react ako dahil yan din ang trabaho ko. at di naman ako ganyan ka-abusado gumawa ng copy.

kung ikaw nagsulat nito, magpakilala ka sa akin, sapakan tayo! joke. itatanong ko lang kung sang kweba ka lumaki.

at oo, hindi ako peminista. hindi talaga! saka gusto ko din si beyonce, lalo na sa Fighting Temptations. saka may crush din ako kay Jay-Z dati.

 

Pasalamat Ako’t Naging Labandera lang ang Lola ko Oktubre 6, 2007

Isinalansan sa: kababaihan, lipunan — gingmaganda @ 12:27 hapon

pyesang isinulat ukol sa pagbisita sa Lila Filipina, para sa klase sa pag-e-MA sa UP Diliman

Lumaki ako sa mga kuwento ng lola’t nanay ko noong unang panahon, panahon ng Hapon: dumating ang mga Hapon sa Bangued, Abra, dala ang kanilang mga bayoneta at kanilang mga “kura, kura, banzai nippon!” habang bitbit ang maduduming labada. Siguro’y nga’y mahirap maging sundalo sa panahon ng digmaan. Maruming trabaho rin ang manglusob ng mga nananahimik na baryo, ang magpaka-evil, at ang kalimutang tao ka palang may puso at kaluluwa.

Ang kuwento lang kasi ng nanay ko, ang tanging nangyari lang sa nanay niya noong panahon ng Hapon ay naging labandera siya ng isang mabait na sundalong Hapon. In-imagine ko pa ngang kamukha ng sundalo si Shaider, pulis pangkalawalan. Mabait at makisig, nga lang, may mantsa ang mga damit.

Kadalasan daw ay dadating ang sundalong Hapon sa bahay nila at magpapalaba ng damit. Habang nilalabhan ng lola ko ang mga damit ay iuugoy ng sundalong Hapon ang duyan ng uncle ko. Barter ng service. Ipaglaba mo ako’t aalagaan ko ang anak mo. Minsan pa’y dadalan pa sila ng pagkain at kung ano-ano. Yun lang.

Kahapon, nakilala ko si Lola Narcisa, comfort woman daw ng mga sundalong Hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kung bakit nagulantang ako sa pagkakaalam na taga-Abra rin si Lola Narcisa, at biktima ng kalapastanganan ng mga Hapon. Pakiramdam ko’y nalinlang ang isang bahagi ng aking kamalayan at tagilid ang pagkakaunawa ko sa sarili kong kasaysayan. Sapok sa aking pag-iisip na malaman na sa parehong probinsiyang kinatandaan ng lola ko at kinalakhan ng nanay ko ay may malagim palang pangyayaring inabot pa ng 26 na taon bago makarating sa akin ang balita.

Tiniente del Baryo daw ang tatay ni Lola Narcisa, at pinagbintangan na nagtatago ng guerilla. Sinugod daw ng mga Hapon ang kanilang bahay, kinuha ang kanyang tatay at itinali sa haligi ng kanilang bahay. Hinahanap sa kanya ang nawawalang guerilla. Wika ng tatay ay walang nagtatago doon; at wala naman talaga. Pero mapilit ang mga sundalo, at gamit ang kanilang mga bayoneta ay hinagupit ang tiniente hanggang sa mabalatan ang kanyang katawan . Humiyaw ang kanyang nanay sa nakitang karahasan, ngunit nauwi lang ang pag-almang ito sa kanyang pagkakagahasa. Pagkatapos ay nironda na silang mga magkakapatid na babae, dinala sa garrison, pinapaligo’t pinagbihis. At saka nasimulan ang mahabang paglalakbay patungo sa panghabang-buhay na trauma’t pagdurusa.

Thirteen years old pa lang si Lola Narcisa noon nang napakilala sa kanya ng tadhana ang lupit ng pag-iral sa mundo. Sa umaga’y pinaglalaba sila, pinagwawalis, ginawang mga katulong sa garrison. Sa gabi’y pipilahan ng kung sinong mga sundalo upang gawing parausan at pahingahan pagkatapos ng isang mahabang maghapon ng pagpapakasama’t pagpapakademonyo sa bansang pilit nilang inaangkin. Sa mga araw na ibig ng mga sundalong maghanap ng makakain, isasama nila ang mga comfort women sa kanilang mga lakad. Maghapon silang naglalakad sa mainit na buhangin, ni wala man lang tsinelas panlaban sa anghang ng init ng nilalakaran na lupa. Nawalan na sila ng pakiramdam sa paa. Tuhod na lang daw ang gumagalaw upang dalhin ang bugbog nilang katawan patungo sa kung saan man.

Iniisip ko kung anong klaseng impyerno ang kinahulugan ng puso’t isipan ni Lola sa mga oras, araw, at mga buwan na iyon. Hindi ko rin maisip kung gaano kasakit. Pero tinitignan ko ang kanyang mukha, ang luha na di maubos-ubos mula sa kanyang mga mata, ay marahil maski kailan ay di ko maiintindihan kung gaano katindi ang karahasan na iyon sa kanyang diwa. At marahil, ayaw ko na rin malaman. Nakakapagod pihado ang umiyak araw-araw, sa maraming dekada, habang minumulto ka ng mga alaalang mas maigi na lamang makalimutan.

Nabaliw ang kapatid ni Lola Narcisa, at sa isang banda, marahil, mas suwerte pa siya dahil nagawa niyang takasan ang katotohanan ng sinapit nilang kapalaran. Mas kawawa ang mga naiwan, naiwan sa lebel ng pagsisid at paglutang at pagkalunod sa mga mantsang alaalang kung puwede lang ipabura gamit ang modernong siyensiya ng Tide Ultra ay sana dati pang ipinagawa.

Ngunit patuloy ang pag-inog ng mundo at ang buhay ay nagpapatuloy din. Makalipas ang maraming dekada ay pilit pa ring iwinawaksi ni Lola Narcisa ang pait ng mga gunita sa kanyang panlasa. Kung sana’y ang pait ay galing sa gamot na nakakapagpagaling ng mga sakit ng katawan ay makakangiti na sana siya. Ngunit ang pait na ito ay galing sa lason na kumain sa kanyang buong pagkatao’t kasaysayan. At kung sana’y matuto man ang mga Hapon sa kanilang mga pagkakamali, kung sana’y humingi ng paumanhin para sa ginawang mga pagkakasala, kung sana’y umamin sa kanilang mga pagkakamali ilang dekada na ang nakaraan, baso ng malamig na tubig sana ito sa kanilang lalamunan, upang maiwaksi ang pait, at maibsan ang uhaw sa kanilang katawan, hustisya kumbaga, hustisya para sa amin na inyong mga ginahasa.

Pero patuloy pa rin ang bagsik. Naturingan pa silang sinungaling. Sino ba naman ang mag-iimbento ng ganitong klaseng kuwento? Maski si Kris Aquino at ang kanyang STD ay walang sinabi sa horror na ito. Mas nanaisin pa nila Lola ng tahimik na buhay, at hindi iyong hanggang kamataya’y puno ng sigalot at pakikipagtunggali. Ngunit may dapat ipaglaban, hindi lamang ang laban para sa kanilang sarili kundi para na rin sa inang bayan. Hindi lamang tao ang mga ginagahasa, hindi lamang mga baryo ang nakaranas ng dahas, mga piraso lamang ito ng malaking jigsaw puzzle ng kasaysayan ng kababaihan at ng bayan.

 

sa kaunaunahang pagkakataon, ipinagluto ka ng mister mo Agosto 22, 2007

Isinalansan sa: kababaihan, pagkain, tula — gingmaganda @ 8:38 hapon

alas siyete kagabi,
pag-uwi mo galing trabaho,
masayang ihinain sa iyo
ng machong mister mo
ang kanyang obra maestra:
pinikpikang manok.

ininda daw niya ang
walang tigil na pagputak
habang pulido niyang
minartilyo ang bawat
bahagi ng katawan
sa matibay na sangkalan-

kailangan daw ito
upang mapalambot
ang laman at sumarap
ang iyong ulam-
‘di na daw niya pinansin
ang lansa ng laman.

namnamin mong maigi
ang iyong hapunan-
sadyang iba ang bagsak
sa dila’t lalamunan
kapag may bahid ng dugo
ang kinakaing laman.

alas siyete, kahapon,
bago ako pumasok sa trabaho,
nanggaling ang mister mo
sa inuupahang bahay ko:
hinalikan niya ako sa bibig
at hiniram ang aking martilyo.

 

manyak Hulyo 5, 2007

Isinalansan sa: kababaihan — gingmaganda @ 2:44 hapon

8:45 ng umaga

1 message received
Memory is low!

basta may bj, solb na ako. dapat magaling ka dun. boys like that!

jusko. parang gago tong kausap ko. actually, gago nga. kebs na na pareho kami ng high school na pinanggalingan at kapatid niya ang ka-batch ko. at sa tanang buhay ko, hindi naman kami nag-usap sa mga pasilyo sa UPIS. pero di ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya? duh? nakakalalake siya! pokpok.

no need to tell me. namaster ko na yan. marami na akong napaluha dahil diyan.

ewan ko ba kung bakit pag sex ang pinag-uusapan ay laging ayaw ko magpatalo. maski na sa expense na maturingan akong whore queen. nampucha. anong akala ng mga lalakeng ito? sila lang may K maging agresibo at may kalayaan mangmanyak, at talakayin ang sex na para bang pinag-uusapan lang ang ulam sa tanghalian? upuan ko sila kung di tumirik mata nila, e.

naisip ko lang ano? at hindi ko talaga maintindihan kung bakit lagi akong nakakakuha ng mga indecent proposal. ano ba naman akala nila sa sex, parang e-load na kahit kanino at kahit saan pwedeng ikarga?

naaasar pa ako sa double standard. tipong pag ikaw minanyak, ibig sabihin ikaw may kasalanan. for example, pwede ko naman di sagutin ang text ng schoolmate. bakit ko pa kasi inentertain. o kaya dahil nakabikini ako sa friendster picture ko kaya ako minamanyak. o kaya, masyadong seksi ang sapatos ko kanina sa opisina. o kaya, pinapayagan ko kasi silang tratuhin ako bilang sex object. hindi ko nga alam na sex object ako, e. ayaw ko nang umasa na gumagana ang logic ng mga lalake pero saang impyerno naman sila humugot ng katuwiran na pwede na lang silang humirit ng ganun sa babae? feeling naman nila namamalengke sila at entitled sa public commentary. o baka nagfafantasya na announcer sa karera ng kabayo.

dati nagresolve na akong magpaka-virgin at baka hindi na malibugan ang sambayanan pero nagcomment ang isa kong kaibigan na baka lalong lumala ang situwasyon, lalo’t suot ko ang palda kong pink. pero naisip ko lang talaga, sa tuwing minamanyak ako, parang masarap maging cockteaser. role reversal. shifting of power. etc. who’s the daddy now? tipong ganun.

balahurain mo ako, at pasasakitin ko talaga ang puson mo. o kay saya ng buhay!