may kakilala ako

may kakilala akong hindi na nagkasya sa mga magdamagang ED, sa kakayosi sa mga tambayan, sa pagsama sa rally, sa pagsusulat ng mga leaflet at pampleta. nang nakuha ang diploma, hindi siya nagkasya sa mga magkabilaang meeting, sa pagpunta sa ibang bansa upang makipagpalitan ng kuro-kuro sa mga dayuhan kagaya niya ang mga sinusulong, at iwanan ang pakikibaka sa antas ng teorya.

may kakilala akong hindi na nagkasya sa buhay sa lansangan, sa lungsod, iyong tinatawag nilang labas. kaulayaw niya ngayon ang mga taniman at sakahan, ang mga puno at lamok sa gubat.

samantalang sa kanilang munting bahay, naiwan ang kanyang asawa at dalawang anak. napipi na ang dalawang bata samantalang ang nanay nila, pinaghihinalaan lahat ng nakakasalubong na mama. hindi na nila tinatawag ang kanilang ama sa tunay niyang pangalan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s