suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

Ang Gusto Ko sa Aking Magiging Asawa Liban sa Dapat ay may Bigote Siya Mayo 20, 2008

Isinalansan sa: kababaihan, salin, tula — gingmaganda @ 9:12 umaga

 

 

 

Una sa lahat,

wag mo nang isiping mag-apply

kung wala ka namang

bigote (

             o maski man lang plano

             na magpatubo

             nito

                   )

may pagkiling din ako sa mga lalaking hindi masyadong

matangkad,

kunwari, 5′8″, o 9″.

Gusto ko ang mga lalaking may malalapad na balikat

and malalaking mga kamay;

wala naman akong kahilingan sa laki ng iyong etits,

pero dapat gusto mo itong gamitin,

at sana lang, sa akin,  sa loob ko lang,

at papayag kang makipagyesyesyo ng madalas

hanggang tayo’y abutin ng 90.

 

At, may isa pa pala.

Gusto ko ng lalaking steady-

Iyong may planong maging asawa ko 

sa loob ng 50 o

60 na taon,

walang kasamang mga sabbatical.

 

Gusto ko ang mga lalaking mahilig sa mga tula,

at ang mga lalaking nagsusulat ay mas lalong nakaka-turn on (maski alam kong

                                                                                                hassle yun

ang totoo’y nakakatakot ang linyang iyan, dapat ‘atang baliktarin na lang:

“ang mga lalaking nagsusulat, nakaka-turn off”)

lalo na’t sila’y magaling.

Gusto ko din ng mga lalaking may ambisyon,

iyong mga lalaking kinukuha ang kanilang tadhana sa kanilang mga palad

at sinusubukang hubugin ito.

 

Gusto ko ng lalaking mekanikal,

iyong pisikal,

mahilig bumuo ng mga bagay,

gamitin ang kanyang mga kamay,

marahil ay atleta,

pero iyong atletang kumikilos ng may angking talino,

na sana’y natutunan niya sa mga libro.

Gusto ko ng lalaking may pananalig sa mga libro.

Ibig sabihin, magkakaroon din siya ng pananalig sa akin.

Isa akong mahaba at maharayang libro.

 

Gusto ko rin na ang aking lalaki’y isang lakwatsero,

ngunit homebody din,

iyong masayang magtratrabaho kasama ko

sa bahay, 

o iyong maligaya ding magpapariwara

at tumingin sa mga bagong bagay 

kasama ko;

iyong nakahanap na ng kanyang susi sa kahulugan ng mundo,

at iyong magbibigay ng susi sa akin sa kahulugan ng kanyang sarili.

 

Gusto ko ng lalaking 

may mabuting asal,

iyong marunong umayon sa mundo,

iyong mahilig sa mga himig,

at iyong may sariling style.

 

Iyong marunong maghanap-buhay,

maski pa malaki naman ang aking maiiaambag;

iyong gusto ng tunay na babae

at ‘yung mamahalin siya

para sa kanyang mga

narating na sa buhay.

 

Isang lalaking nagbabasa.

Isang lalaking mahilig magpinta.

Isang lalaking gustong makipag-usap habang kami’y nakahiga sa kama.

Isang lalaking mahilig sa tag-araw ngunit nabubuhay pa rin sa tag-lamig.

Iyong mahilig hawakan ang aking katawan.

Iyong mahilig humalik.

Iyong nagmamakinilya ng kanyang mga sulat.

 

Iyong umiinom ng Red Horse.

Iyong marunong mag-motorsiklo.

May koleksiyon ng mga libro.

May malaking aso.

‘Yung tatawagin ang pangalan ko sa kanyang pagtulog.

 

Sa totoo lang, isang lalaki pa lang ang nakilala ko na parang ganito;

pero kung sa tingin mo ay pwede ka,

ipadala mo na ang mga application form.

Pero, 

marahil wala kang laban sa unang kandidato.

Ngunit ako naman ay demokratiko 

at nais kong bigyan ang lahat ng pagkakataon.

 

Isama ang larawan ng iyong bigote.

Hindi ko pa natatapos iyong dokumento 

na naglalarawan ng saktong klase ng bigote na gusto ko.

Ngunit mataas ang aking panglasa.

Maniwala ka,

may mga bigoteng 

hindi talaga makakapasa.

 

Kilala ako sa pagiging pihikan.

 

salin ng “What I Want in a Husband Besides a Mustache” ni Diane Wakoski, mula sa aklat na The Motorcycle Betrayal Poems, 1971

 

tao ka. may karapatan. Mayo 6, 2008

Isinalansan sa: lipunan, media circus, sine — gingmaganda @ 12:18 hapon

isang Public Service Announcement na ginawa ko para sa grupong Rights ukol sa mga karapatang-pantao. i’m wondering if offensive siya sa mga kampon ng PETA at PAWS, sa mga vegan at vegetarian? ewan.

pero pinalaki ako ni ser bomen sa paniniwalang, “ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang buhay ng tao.”

 

juan orasan Mayo 1, 2008

Isinalansan sa: lipunan, manggagawa, media circus, sine — gingmaganda @ 12:22 hapon

dahil may 1 ngayon. mabuhay ang mga manggagawa!