
kasalukuyang minimina ang mga bundok ng agusan at surigao para sa lupang mayaman sa iron, chromite at iba pang minerals. unti-unting binabakbak ang mga bundok ng mga brand-new heavy equipment upang ipadala ang lupa sa japan para maproseso. sabi ng lolo ko, maski daw 400 years pang hukayin yang mga bundok ay hindi daw iyan mauubos, pero nag-aalala ang mga NGO sa lugar na ito na maaaring maging disaster ang mga minahan nito. hindi naman ako geological expert at madalas ay natutulog ako tuwing nat sci 2 sa diliman, pero isang tingin lamang sa mga litratong ito ay nakikita na ang pagkasira ng paligid.
halos lahat ng mga litrato dito ay kinunan mula sa loob ng sasakyan, habang binabagtas namin ang highway na nag-uugnay sa butuan hanggang surigao. yan ang ginawa ng minahan sa highway, ang highway na sana’y magdadala ng pag-unlad sa mga bayan at lugar na pinagkakakabit-kabit nito. ngunit, sa halip na magbigay ng progreso ang mga minahang nito sa pamamagitan ng trabaho at sa buwis noong 2007 na umabot ng mahigit isang bilyong piso, mukhang puros perwisyo lang ang dala ng minahang ito. sirang-sira na ang kalsada papuntang surigao. bukod pa rito ay mapanganib ang bumiyahe sa lugar na ito dahil walang tao, at wala rin signal ng cellphone, at maaari kang mahulog sa bangin. buti sana kung may lumilipad pa rin na mga eroplano papasok ng tandag o ng surigao city pero sabi ng mga tagaroon, wala naman daw ginagawa ang mga kongresista nila para mapabuti ang mga kalsada o kalagayan ng minahan. kung sa davao ka manggagaling para umiwas sa minahan, aabot din ng siyam na oras ang biyahe mo.
wala na rin daw iyong mga isda sa dagat, dahil kapag sinilip mo ang dagat, namumula na ang bahaging malapit sa bundok- hindi dahil sa dugo kundi dahil sa lupang naitatapon papunta dito. at isang maikling survey sa internet ang magdadala sa inyo ng mga datos na ito- displaced tribal minorites, militarization, human rights violations sa mga mining areas. masidhi ang pagtutol ng komunidad sa mga minahan. nakakabuti sana ang pagmimina kung maayos ang mga kontrata. pero may aasahan pa ba ang mga taong bayan? ewan ko ba.
may isang baranggay doon, magandang gawing location ng commercial ng tide sabong panlaba. paano’y namumula ang lahat- ang mga binti ng mga bata, ang mga waiting shed, ang mga paaralan elementarya, tindahan, at iba pang opisina ng gobyerno. lahat natalsikan na ng putik dahil sa kalsadang mistulang ice cream na tunaw. maski ang mga labada, kulay putik na rin. lahat ng tao, nakabota kapag lumalabas ng bahay. at katabi ng lahat ng ito, ang opisina ng Taganito Mining Company- kulay puti ang building, malaki, parang palasyo dahil ibang-iba ang hitsura sa mga kapitbahay nitong maliliit na bahay at opisina. parang walang pakelam sa paligid, seemingly unaffected by all the destruction.ang surigao ay isang malaking lupaing puno ng irony. pun intended however corny this may sound, haha. mayaman ang surigao sa lupa, sa ulan, sa tubig-dagat. ngunit, halos lahat ng municipalities sa surigao ay fourth-class o fifth-class. sa madrid, P160 lang ang daily minimum wage para sa mga contractual na empleyado. sabi sa pelikulang balweg: “ang tao ang hindi nagma-may-ari ng lupa, ang lupa ang nagma-may-ari sa tao.”mayaman ang pilipinas, ngunit bakit tayo tuluyang naghihirap, sabi ng unang pahina ng MKLRP. and chenes.
sa st. isidore parish sa madrid, bayang sinilangan ng aking tataymore info on mindanao here.
mayaman ang pilipinas, pero bakit tayo tuluyang naghihirap, and chenes Marso 28, 2008
gusto ko nang batukan ang sarili ko o kung bakit masakit maging filmmaker Marso 26, 2008
andami kong footage, ang dami kong script, hindi ko masimulan at hindi ko maisulat ng tuloy-tuloy. una’y dahil may lohistikal na mga balakid, una’y di pa ako marunong mag-capture ng footage, pangalawa’y kailangan ko munang linisin ang mga HDD ko, ikatlo’y dahil wala akong oras para sa mga ito dahil nakabinbin pa ang mga larawang kailangan kong ipinta, mga paper na isusulat para sa school, iyong mga tula ko, mga kailangan sa day job, mga taong kailangan makita, gawaing bahay, makulit na anak, at bukod pa rito, hindi naman ako diyosa- kailangan ko ring kumain, matulog, maligo, manood ng TV.
pwede naman kasing wag na lang mag-edit. pwede na lang kasing wag nang gumawa ng pelikula, makuntento na lang sa pagsusulat, ganun. pwede rin naman kasing manghuli na lang ng sex slave/ non-linear editor at ikukulong sa isa sa mga kwarto sa bahay namin para may magcacapture na lang at gagawa ng rough cut para sa akin, kagaya ng mga nakaraang proyekto. pero bahagi ng pagiging independent filmmaker ang maging pobre at maging independent. kanya-kanyang kayod kaya magtitiyaga muna akong magsuffer in the meantime.
ganito kasi yun, e. pwede namang hindi na lang gumawa at all. pero kasama sa retardedness ng pagiging alipin ng sining ay yung pangagailangang lumikha. ng kahit ano. lagi’t-lagi, sa kaloob-looban mo, may nag-uudyok sa iyong gumawa, magtrabaho, magkwento. na hindi lang pwedeng pagkasyahin sa mga blog na kagaya nito. at mahirap sagupain ang araw-araw na pag-iral na gumawa ng mga bagay kung alam mo, sa pinakamalalim na butas ng puso mo, ay mas gugustuhin mong magkulong sa isang kwarto, maghimay ng footage, at magsulat, kesa sa pumasok sa trabaho, mag-grocery, pumila sa bangko para magbayad ng mga bill ng ilaw, tubig, credit card.
masakit maging pilmmeyker, lalo’t iyong pagnanasang bumubuhay sa’yo ang siya ring kailangan mong hindi pansinin para mabuhay sa isang mas basic na antas na pag-iral. kasama pa nga sa angas na ito ay ang laksa-laksang desisyon na kailangan harapin kapag gumagawa ng pelikula- kung saan puputulin ang eksena, ang mga himig at awit na gagamitin, kung saan mo sisimulan at tatapusin ang kwento. at kung ano ang point ng lahat ng ito. at teka- nagwagi ka bang pagsilbihan ang mga tao sa ginawa mo, at kamusta naman ang treatment? naintindihan ba naman ng audience mo? hindi lagi’t lagi ay maaaring sundin ang layaw sa pagkatha lalo’t may halaga ang nais mong ipapanood sa pinili mong pagpapanooran. pwedeng umart ka lang ng walang humpay kung ang mga manonood mo ay uma-art lang ng walang humpay at walang pakelam sa mundo sa labas ng mga art gallery o ng CCP.
pero kung para sa mga tao ang ginagawa mo, dun sa mga taong walang panahong pumunta sa ccp, sa art gallery, iyong mga taong kailangang ikaw pa ang magdala ng pelikula sa kanila, at hindi ko tintutukoy ang mga pelikulang kayang-kaya nilang maaccess via pirated DVDs, mahirap gumawa ng pelikula na mapagbibigyan lahat ng mga kahingiang aestetikal at pulitikal, na siya ring aayon sa sariling style mo bilang artist/ pilmmeyker, at alam mong makakarating sa mga manonood mo ang gusto mong iparating.
kaya hanggang ngayon, limang taon na ang nakakalipas, wala pa rin akong nagagawang bago. gusto ko nang batukan ang sarili ko. hopefully, this year will be different.
ang hallucination ni manny magsasaka Marso 7, 2008
isang araw,
binoot ni manny magsasaka
ang kanyang computer upang
umorder ng abono sa internet-
pagkatapos magbrowse
at magcompare ng prices,
nagpasya na siyang
kagatin ang promo
ng item #C234109-2349,
buy one take one,
free shipping on orders
above $300
ita-type na sana niya
ang paypal account number niya
sa blankong field sa website
ng ebay (mas mura kesa sa amazon)
kaso, naalala niya,
wala na nga pala siyang lupa.
binenta niya ang huling ektarya
para ipambili ng makinilya,
para sana maging manunulat,
dahil pagod na siyang
mag-araro, mag-abono,
at dayain ng gobyerno
at, nasa Pilipinas pala siya.
lahat ng nasa harapan niya-
ang computer, ang website,
ang reporma sa lupa, ang sikat ng araw,
libreng abono, patubig,
wagas na pag-ibig,
ang gintong butil ng palay-
lahat, lahat ay kathang-isip na lamang.
pira-piraso ng malawakang guni-guni.
parang iyong mga tulang naisulat niya-
nakasiksik sa mga singit
ng haligi ng kanyang tinitirhan,
kumukupas na ang pagkasulat,
naninilaw na ang papel.