naiinggit ako sa’yo
sapagkat kayang-kaya mong
ipakita ang maski ano,
maski iyong dapat itago.
samantalang ako,
sasabog na ang dibdib
at ang lahat-lahat ng
bahagi ng aking katawang
dinadaluyan ng aking
malapot na dugo,
pilit ko pa ring dinadamitan
ang mga bagay-bagay.
maski sumambulat
na sa lahat
ang hubad na hubad
na katotohanan.

Mas nakakainis yung naka white tapos kita mo talaga hindi lang yung line ng panty kundi bakat talaga yung buong underwear. Sarap regaluhan ng malaking salamin.
nadidisturb din ako sa mga lalakeng may VPL- visible panty line, eheste VBL- visible brief line…haha
Pan-tsssu!!!
Suddenly I become Japanese!
banzai! kawasaki! honda! ewan! hahahaha