suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

two years ago, kinunan ko ang poster na ito Nobyembre 20, 2007

Isinalansan sa: anti-gma — gingmaganda @ 2:54 hapon

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

two years after, ganyan pa rin ang sentimyento ko lalo’t:

nakakaasar ang ZTE-Broadband Deal fiasco
bakit pinardon yung mandarambong na Erap na yun
may 11-year old na batang napakamatay sa Davao dahil daw nagugutom siya
ang baba na nga ng dollar pero bakit lalong tumataas ang bilihin, pati pamasahe?

at marami pang ibang dahilan. ieurgh!

 

tatlong tula ni neruda Nobyembre 7, 2007

Isinalansan sa: pag-ibig, salin, tula — gingmaganda @ 8:29 hapon

Ang Iyong mga Paa

Kapag tinitignan ko ang iyong mukha,
tinitignan ko rin ang iyong mga paa.
Ang iyong mga paa ng pakurbang buto,
ang iyong mga paang maliliit at matigas.
Alam kong dinadala ka nila,
at ang iyong matamis na bigat
ay umaalsa sa kanila.
Ang iyong baywang, ang iyong mga suso,
ang tingkad ng kulay-ube
ng iyong mga utong,
at ang mga butas ng iyong mga matang
kakalipad lamang kanina lang,
ang malapad mong prutas na bibig,
ang pula mong buhok,
aking munting tore.
Ngunit mahal ko ang iyong mga paa
sa dahilang lumakad sila
sa balat ng lupa, at sa ihip
ng hangin, at sa mga katawang-tubig,
hanggang ako’y matagpuan nila.

Hanap ko ang iyong bibig, ang iyong tinig, ang samyo ng iyong buhok

HUWAG KANG LALAYO, MASKI LAMANG ISANG ARAW
Huwag kang lalayo, maski lamang isang araw, sapagkat—
sapagkat—hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin: mahaba ang isang araw
at aantayin kita, sa isang istasyong walang laman
at nakaparada ang mga tren sa ibang lugar, humihimlay.

Huwag mo akong iwan, maski isang oras lamang, sapagkat
ang mga maliliit na patak ng hinagpis ay magsasama-sama,
ang usok na naghahanap ng mauuwian ay lulutang
patungo sa akin, at sasakalin ang aking ligaw na puso.

Ah, nawa’y hindi kumupas ang iyong anino sa dalampasigan;
at ang iyong mga talukap ay huwag sanang kumurap sa malayong kawalan.
Huwag mo akong iwan, maski lamang isang sandali, aking pinakasinisinta,

Sapagkat sa sandaling ika’y makalayo na
ako’y paliko-likong magpapalaboy sa mundo, nagsusumamo,
Babalik ka pa ba? Iiwan mo na lang ba ako dito, namamatay?

Lasing na Lasing

Lasing na lasing sa masangsang na langis
Ng iyong mga bukas na halik,
Ang iyong basang katawan sa pagitan
Ng aking basang katawan at sa mga palikpik
Ng ating bangkang gawa sa mga bulaklak,
Nagpapakasaya, inaaalalayan natin- ang ating mga daliri
Tila mga kandilang pinarikit ng ginintuang bakal-
Sa ibabaw ng mainit na bukana ng langit,
Ang huling hininga ng araw sa ating mga layag.

Hawak ng araw sa pagitan ng tag-araw
At taglamig, bangag at magkasalikop na magkasama’y
Nagpalutang-lutang tayo ng ilang buwan at nagising
Sa mapait na lasa ng lupa sa ating mga labi,
May lagkit ang mga talukap ng mga mata at nasasabik sa apog,
At sa tunog ng tali
na nagbababa ng timba patungo sa kanyang balon. At pagkatapos,
bumiyahe tayo ng gabi patungo sa Mapalad na mga Isla,
At humimlay kagaya ng mga isda
Nakukumutan ng lambat ng ating mga halik.

salin ng “Your Feet”, “I Crave Your Mouth, Your Voice, Your Hair” at “Drunk as Drunk” ni Pablo Neruda