suntukan na lang tayo!

napapagod na ako sa’yo.

Walang pangit sa birdie na galit at iba pang dagli ng pagkagipit Setyembre 19, 2007

Isinalansan sa: anti-gma, media circus — gingmaganda @ 1:52 hapon

Unang palagay:

Sa panahon ng desperasyon, kakapit ang bayan sa patalim. Sa mga natitigang, walang pangit sa titing galit. Sa mga mamamayan ng bayan na may krisis, lalapit ang napapagal kay Kris. Deal or No Deal? Sabi ni Manny Pacquiao: Noodle! Kung dati, Who Wants to Be a Millionaire? Ngayon, kulang pa ang isang million para mapayapa ang kaluluwa.
Sabi ng squatter sa labas ng village namin habang inaaway ang asawa: P*tang ina naman oh, wala na nga tayong pera, pangit ka pa!

Hindi sapat lamang ang may pera. Dapat maganda ka rin. O magaling kumanta sa videoke. O magaling sumayaw habang nagmimintina ng sex appeal sa Pinoy Dream Academy. Maraming paraan sa pagkapit sa patalim, sa pagpapamanhid ng sakit sa kalingkingan o maging ng kasukasuan. Basta Dolphy, Dolfenal! Dyspepsia ba? Bago magbelly dancing, mag-Motilium! Ok ka ba tiyan? Yakult everyday, okay!

Ikalawang palagay:
Wala nga bang pangit sa titing galit? Eh paano sa lasing? Ilang buwan na ang nakalipas simula nang dakipin at gahasain si Nicole ng mga sundalong pogi at kano at isinakay sa van. Pagkatapos makaraos itinapon si Nicole sa gilid ng daan. Sisigaw ulit si Nora Aunor, nakasuperimpose ang mukha sa madilim na kalangitan, hitsurang circa 70’s pa rin (mas maganda siya noon): My sister is not a pig! Ang kafatid ko ay taoh, hindi baboy damohhhh!!!

Pero paano nga ba natin malalaman kung pangit si Nicole o hindi siya baboy? Eh lagi naman siyang naka-silhouette. Menor de edad ba siya para magtago na lamang sa mga anino? Ginagaya ba niya ang mascot ng Justice, may takip sa mata? (Nasaan ang kanyang timbangan?) Bakit walang mukha ang hustisya para sa kababaihan dito sa Pilipinas? Ang tagal-tagal natin itong ipinaglaban, (dalaga pa si Nora nun, ngayon may anak na si Matet) pero bakit hanggang ngayon, ayaw pa rin ipakita ang mukha ng nangahas lumaban sa sistemang kinababaliwan bantayan ng Kalihim ng Hustisya na mukhang DOM? Ang sagot ay dahil wala talagang hustisya. Si Nicole ay anino lamang, forever nakatago, ang ating Pambansang Enigma.

Isang obserbasyon: kapag napangasawa ni Nicole si Daniel Smith, ang diumanong isa sa mga gumahasa sa kanya, she will then be henceforth known as Nicole Smith. Halos kapangalan ng isang seksing modelo ng Guess Jeans nung araw at tampulan din ng kontrobersiya ngayon. Kung bakit Americanized pa rin ang alias ng dalagang Filipinang niyurakan ng dayuhan, ay hindi ko alam. Baka hindi kasi magegets ng mga Amerikano kung ang alyas ng ating rape victim ay Kurdapya Bagonggahasa. The consul would probably say, “What’s a Kurdapya? Is that some sort of SARS virus strain from Southeast Asia?”

Ikatlong palagay:
Pinanood ko ang ilegal na footage ng pagbitay kay Saddam Hussein sa YouTube. Ilegal kasi bawal kuhanan ang saktong pagbitay. Ilegal kasi pag pinanood mo, nakakasuka. Hindi ito sine! Ipagpalagay na si Saddam nga iyon, at may totoong taong namamatay. Walang konsolasyon sa sarili na sabihing: props lang iyan!

Unang bahagi: inaaalalayan si SH sa pag-akyat sa hagdan patungo sa entablado ng kanyang pagbitay. May mga nagsasalita.
Ikalawang bahagi: nilalagay na ang makapal at brand new na lubid sa kanyang leeg. May mga nagsasalita pa rin. Madami. Maingay. (Ano ba ito, karera ng kabayo?)
Ikatlong bahagi: bumigay na ang sahig ng entablado, bumukas ang trap door, lusot ang katawan ni SH sa butas. May malalakas na kalabog. Mabigat ang overcoat at bota ni SH. Kaguluhan.

Subtitle 1: Harrr! Bumukas ang pinto!
Subtitle 2: Nahulog na siya!!!
Subtitle 3: Namamatay! Namamatay na!

Ikaapat na bahagi: close-up ng ulo ni SH na may lubid sa leeg at nakatingin sa itaas. Dedbol na ang megalomaniac na nahatulan ng kamatayan dahil sa pagpaslang ng mga tribo-tribo sa disyerto. Harrrr. (Rolling R, parang Kastila!)

May lola akong mahilig manood ng mga zombie movies. Bata pa ako nun, nakatira pa kami sa Project 4. Bilib na bilib siya sa pag nangangain na ng tao yung mga zombie. Cue ko na iyon magtago sa kwarto, kasi takot ako sa mga tandang, sa kulog, sa aso, sa lumilipad na ipis, at sa mga multo. Pagkatapos ng pelikula, sasabihin niya, “okinana deta! Kanayen nga tayo niloloko! Haan met na totoo deta nga palabas! Okinana met!!!” at magsisindi ng tabako at kakalasin ang mahaba niyang buhok at ipupusod muli. Enjoy na enjoy manood, pagkatapos maaasar dahil lahat ay gawa-gawa lamang.

May death wish din ang lola ko. Tuwing may namamatay siyang kapitbahay, naiinggit siya. Sa dami daw ng sakit niya, bakit hindi pa daw siya kinukuha ni Lord?
Ngayong malaki na ako at mas malaki na ang takot ko sa mga tao, pinagtatakahan ko kung matutuwa ang lola ko (sakaling buhay pa siya) sa YouTube. O kung maiinggit pa rin siya sa kapalaran ni Saddam.

Ikaapat na palagay:
May bago akong video camera. Wala naman akong talento sa paghawak ng motion picture camera maski na may digri ako sa pamemelikula. Pero marami pa naman silbi ang video camera maliban sa pagmamaganda at pagproproject ng nagmumurang aura ng pagiging “artist!!!”. (yung tipong pa-art na mga peli-pelikula na may mga konseptong tungkol sa incest at abortion at mababaw na pagpapatiwakal gaya ng nakagisnan kong mga proyekto ng mga kaklase ko sa Kolehiyo ng pangmadlang komunikasyon)

Kunwari. Pwede ka mag-endeavour ng animation project.

Step 1: Gumawa ng effigy ng magaling na pangulo ng bansa mo.
Step 2: Gamit ang stop-motion animation, pagalawin ang effigy. Kunwari, nagmamagaling na lider ng isang third-world na bansa (gumamit ng basang dyaryo na nilamukos at halos lusaw-lusaw na bilang representasyon ng iyong bansa)
Step 3: Kumuha ng baby cologne. Isaboy sa effigy.
Step 4: Sindihan ang effigy. Pagalawin na para bang mga Ents na nasusunog sa pelikulang Lord of the Rings: The Two Towers.
Step 5: I-upload sa YouTube.
Step 6: Maging vigilant tuwing gabi. Baka ikaw na ang kandidato sa pagiging bagong desaparecido!

O kaya, gumawa ka ng scandal!

INT. PALASYO. 1:23 am.
May mga maaaninag na pigura sa dilim. Maliit ang babae. Medyo malaki ang lalake. Nasa press con room sila. (Bigyan ng kalayaan ang mga aktor upang pumili ng nais nilang blocking sa frame at posisyon)

BABAE (napaka-nasal ng boses):
Nani, baby! Spank me baby! Spank me harder!
(maririnig nang paulit-ulit ang tunog ng paghampas ng palad sa makapal na taba sa pisngi ng pwet)
Dilaan mo ang nunal ko!!! Ungggh!!!! Suck me!!!

Wag kalimutan na lagyan ng camera shake maski kaunti ang footage. Para mukhang authentic. Pwede rin magpeke ng voice-over kunwari ng kumukuha ng footage. Gayahin lang ang boses ni Secretary of Justice. Pwede mo din i-upload sa YouTube kung nais mo, o ipalabas sa daily program ng Cinekatipunan o Cinemalaya o Cinemanila o Cinegang o kung anumang nagsusulputang maka-indie na mga programa sa art scene.
O kung boring ka talagang klase ng tao, pwede ka na lang rin naman magshoot na lang ng documentation ng mga birthday party ng pamangkin mo. Your call. Release the inner makata in you!

 

Leave a Reply