in (taon, dekada ‘80) a group of teachers went to a Mangyan place in (ang haba ng pangalan, Abacahan ba yun?)…
the group of teachers taught the Mangyan many things…
when it was time to go, the Mangyan were very sad.
they loved the group of teachers..
the teachers loved them too so they promised to come back…
when the teachers came back… everyone was happy
-loose na sipi ng isang teksto sa teksbuk ng anak kong Grade 1
1. Ang Lesson ay “The Promise”. making and keeping promises, etc. “The Lord loves us so he promised to redeem us.” etc etc. sige, ayos naman ang marunong tumupad ng pangako. ewan ko ba, dapat ata pinag-si-sit in ang mga pulitiko at mga ex-boyfriend ko sa klase ng anak kong Grade 1. refresher course lang ba.
2. “Mangyan place”- ano daw?!?!
para mo na rin sinabing, ang Tondo ay “Goons Place”, o ang Cainta ay “Sepoys Place” o ano bang klaseng way of thinking ito? ni wala man lang paliwanag kung ano yung Mangyan. syempre nataranta yung anak ko. di man lang irephrase na, “where a group of Mangyan people live.”, para naman may clue na ang mga Mangyan ay tao, hindi baboy damoh!
3. “the group of teachers taught the Mangyan many things”
(insert sci-fi sound effects here, yung time travel mode)
balik tayo sa edad ng mga Thomasites. napaka-post colonial naman ng teksto ito. race and cultural supremacy mode. ano bang gusto nilang sabihin sa mga batang Grade 1, na ang Mangyan hindi marunong mabuhay at kinakailangan pang turuan ng mga teacher? nye. eh sila nga sa bundok nakatira di naman nauubos ang lahi. tayo mawalan lang ng cellphone dito sa kalunsuran with all our luho and internet and Starbucks e halos masiraan na tayo ng bait. ano ba.
ikamamatay ba naman ng Vibal Publishing na singitan man lang ito ng linyang, “In return, the Mangyan taught them many things about their way of life.” cultural sharing mode.
4. nagmamahalan ang mga teacher at mga Mangyan kaya everyone was sad when it was time to go. yeah right. pagkatapos mang-pollute ng kultura at mag-hasik ng epistemological violence biglang sasabihin na nagmamahalan sila. nye. class, our lesson for today is about love. and epistemological violence. and keeping promises. ang galing!
hay naku.
bilang nanay at mag-aaral ng panitikan i do find this irksome. ang dami-daming kwento na pwedeng isulat tungkol sa pagtuturo ng mga pangako pero bakit pati ang mga Mangyan ginagamit ng mga madreng ito? bakit pinagmumukhang tanga na naman ang mga katribuhan sa Pilipinas? anong mensahe ang pinaparating nito sa mga kabataan na nakatira sa isang semi-syudad na municipality? wala pa ba tayo sa age ng political correctness at National Geographic Specials?
baka nag-o-overreact lang ako o ano. siguro may mga kailangan din naman talaga ituro sa mga Mangyan kagaya ng pagsusulat ng pangalan o abakada para makaboto o ma-exercise ang karapatan nila bilang mga kapwa Pilipino. pero ayon sa choice of words (yun daw ang ibig sabihin ng “diction” sabi ni sir vim) ng kwentong ito, na maski pang-Grade 1 lang naman, eh olats ang kwentong ito. to death!
iniisip ko pa kung susulatan ko yung publisher ng libro.